Kris Bernal at Jolo Revilla madaling nagkatabangan!

TAPOS na pala ang napabalita last December 2011 na magandang pagtitinginan nina Kris Bernal at Jolo Revilla.

Nabatid namin mismo ito kay Kris na nagpahayag sa presscon ng bagong soap niya, ang “Hiram na Puso, na wala na silang communication ngayon ni Jolo at nagtapos na ang kanilang relasyon bilang ‘magkaibigan’.

Ayon kay Kris, tinapat niya si Jolo na wala pa siyang oras ngayon para makipagmabutihan sa kahit sinong manliligaw niya. Una’y katatapos lang ng pakikipagrelasyon niya kay Jay Perillo. Pangalawa’y ‘di niya priority sa ngayon ang makipagrelasyon dahil nakatutok ang kanyang panahon ngayon sa kanyang career lalo na’t very challenging ang role niya sa nasabing soap kung saan iibig siya sa lalaking dating karelasyon ng babaing nag-donate ng puso sa kanya.

Bale pangalawang pagsasama nila ni Mark Herras ito bilang love team. Sa Time of My Life ‘yung una.

000

SPEAKING of Mark Herras, hindi pa rin nagbabago ang pagtitinginan nila ni Ynna Asistio. Kahit maraming intriga ang pamilya ng batang aktres ngayon, di man lang nagku-comment si Mark hinggil dito. Basta ang tanging nasabi ng aktor ay nakasupport siya lagi kay Ynna at sa pamilya nito.

Masaya ngayon si Mark sa love life niya dahil sa relasyon nila ni Ynna ay wala siyang problema. Parehong busy silang dalawa sa kani-kanilang career.

Si Mark ay masayang makapartner muli si Kris dahil katwiran niya, napaka-professional daw ng actress. Kumbaga, di na siya mag-a-adjust dito dahil leading lady na niya ang aktres sa Time of My Life.

Excited si Mark sa Hiram na Puso dahil sa full drama ito unlike sa Time of My Life.

Si Andoy Ranay ang director na soap at kapalit ito ng “Kokak” starting Monday.

000

HANGGANG ngayon super saya ang team-up nina Ogie Alcasid at Michael V dahil sa sunud-sunod na awards ang tinatanggap ng longest-running gag show sa bansa, ang Bubble Gang. Recently ay natanggap sila ng recognition sa USTv Awards. Bukod pa rito, may pelikula na naman si Ogie dahil sa role niya sa Bubble Gang bilang si Boy Pick Up. Ginagawa na ito ngayon ng Regal at GMA Films at ipapalabas na sa Hunyo.

Si Solenn Huessaff ang kanyang leading lady at si Dennis Trillo ang pangunahiong villain sa comedy movie na idinidrek ni Dominic Zapata.

Ngayong gabi, panibagong saya ang handog ng BG at kasama ang Bubblets na kinabibilangan nina Ellen Adarna, Jackie Rice, Gwen Zamora at Sam Pinto. Kasama pa rin sa BG sina Rufa Mae Quinto, Boy 2 Quizon, Maureen Larrazabal at Antonio Aquitania.

000

KILALA na pala si Lovi Poe sa South America, particularly sa Mexico, dahil nai-publish na ng Esquire Magazine sa kanilang latest issue ang mga photo at write up sa sexy actress sa Mexico edition ng nasabing glossy mag.

Sa pagkakasama sa Mexican edition ng write up at photos ni Lovi, maraming bagay ang nangyari sa actress sa taong ito. Bukod pa sa exposure niya sa nasabing magazine, namamayagpag na ngayon ang soap opera niyang “Legacy” sa GMA-7.

Isa sa lead characters ng soap ng soap si Lovi at kasama niya sina Heart Evangelista at Alessandra de Rossi.

Very intriguing ang character niya sa soap. Bale bida-kontrabida ang role niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply