KTV bar hinagisan ng granada, 5-katao sugatan

LIMA katao ang sugatan, kabilang ang apat na kababaihan matapos hagisan ng  MK2 hand grenade ng hindi nakikilalang suspek ang isang KTV bar sa Camarin Caloocan City kaninang madaling-araw.

Ginagamot na sa East Avenue Hospital sanhi ng mga tinamong shrapnel ng granada sina Gwedalyn  Corneta, isang Alberca, 24, Jennelyn Tungala Igoban, 29, Rosalyn Favillar Baltes, 23, Marlyn Velarde Calda, 41, kapwa guest relation officer (GRO) at Rodel Macario Castor, pawang ng taga-Brgy. Camarin, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas 12:45 kaninang madaling araw nang maganap ang pagpasabog sa harap ng isang KTV Bar sa Captain Semano St., Camarin Caloocan.

Nabatid na kasalukuyang nakaupo ang mga biktima sa tapat ng nasabing bar nang hagisan ng granada ng isang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng PUJ jeep patungo Bagong Silang.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad kung ano ang motibo sa pagpapasabog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply