Kudeta laban kay PNoy minaliit

MINALIIT lamang ni Majority Floor Leader Neptali Gonzales II ang grupong nasa likod ng planong kudeta laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Itinuring ni Gonzales na mistulang maliit at hindi kilalang grupo lamang ang nasa likod ng nasabing banta dahil kahit mismong ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ay walang ideya sa destabilisasyon.

Aniya pa, si Senador Antonio Trillanes IV ang nagsabi at hindi ang mga lider ng AFP ang nagkumpirma nito.

Dagdag pa ni Gonzales, na mga pulitiko lamang ang nagpapalaki ng isyu dahil sa patuloy na pag-uusap tungkol dito.

Samantala, inakusahan ngayon ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino si dating National Security Adviser at Defense Secretary Noberto Gonzales bilang “utak” sa kumalat na balitang kudeta.

Si Gonzales ay kilala bilang isa sa avid supporter ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na naipakulong ng administrasyong Aquino dahil sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Casino si Gonzales umano ang nagpapalutang na si Pangulong Aquino ay anti-military at pro-communist, dahilan para magbuo ng coup plot ang mga dating AFP official.

Sinabi pa ni Casino na pakana rin umano ng kampo ni Arroyo ang paglutang na babalik na raw ang lider ng CPP-NDF na si Jose Maria Sison sa bansa at bibigyan ng pwesto sa gobyerno o isasama sa Liberal Party bilang pakikipag-alyansa raw ng administrasyong Aquino sa komunista.

Noong Biyernes, kinumpirma ni Pangulong Aquino na si Joma Sison ay pauwi ng Pilipinas kapag naisapinal na ang komprehensibong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply