Kulong sa magnanakaw ng gamit ng gobyerno

INAPRUBAHAN ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magpaparusa sa magnanakaw o makikialam sa mga kagamitan ng gobyerno na ginagamit na pang-monitor ng kalamidad at seismologic phenomena.

Sa House Bill No. 5932, papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang magnanakaw o makikialam risk reduction preparedness equipment at iba pang pasilidad.

Makukulong ng 12 hanggang 15 taon at pagmumultahin ng P1 milyon hanggang P3 milyon ang sinumang mahuhuling nagbebenta o bumibili ng mga ninakaw na gamit ng pamahalaan.

Anim hanggang 10 taong kulong at multang P500,000 hanggang P1 milyon naman para sa mahuhuling nakialam sa mga kagamitan.

Sa ilalim ng panukala, magbibigay ng pabuya nang hindi bababa ng P10,000 pero hindi lalampas ng P50,000 ang sinumang magbigay ng impormasyon para mahuli ang magnanakaw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply