Kumatay sa 7-anyos na lalaki sumuko na

MAKARAANG hindi patahimikin ng konsensya ay kusang sumuko sa pulisya ang suspek sa pagkamatay ng 7-anyos na lalaki noong Pebrero 7 sa Brgy. Abella, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Brian Belga, isang buwang nagtago sa Laguna, habang pinaghahanap naman ang isa pa niyang kasama.

Sa pahayag ni Belga, hindi na makaya ng kanyang konsensiya ang pagtatago dahil hindi naman siya ang totoong pumatay sa bata, anak ng kanyang hindi pinangalang kinakasama.

Giit ng suspek na si Erick Behis, 18, ang nagtatago pang salarin ang nasa likod ng krimen.

Nagtago lang aniya siya dahil sa takot na walang maniniwala sa kanya.

Lumalabas na selos sa dating asawa ng ina ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply