Kuwaresma ‘wag gamitin sa kampanya– arsobispo

NANAWAGAN ang isang Catholic archbishop sa mga politiko na huwag gamitin ang panahon ng Kuwaresma sa maagang pangangampanya para sa midterm elections sa May 13, 2013.

Ayon kay Jaro Archbishop Angel Lagdameo, na siya ring dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat igalang at respetuhin ng mga politiko ang banal na pagdiriwang na ito upang hindi makulayan ang paglapit nila sa mga tao.

Iginiit pa ni Lagdameo na sa halip na pamumulitika, mas mabuting magnilay ang mga politiko sa kanilang mga sarili ngayong Semana Santa upang maging mas mabuti silang ehemplo sa mga tao.

“Sana naman respetuhin nila ang banal na mga araw, upang sa ganun ay hindi magkaroon ng political color ang kanilang paglapit sa mga tao,” ayon kay Lagdameo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Payo pa ni Lagdameo sa mga politiko na magnilay, magdasal at gawin ang kanilang obligasyon bilang mga Katoliko upang maging mabuting ehemplo sa mga tao.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply