Kylie kinapos ng paghinga habang suot ang gown ni Mariel

OKEY palang stepmother si Mariel Rodriguez. Mabait siya sa partidos ni Robin Padilla. Siya ang laging kahuntahan ni BB Gandanghari. Siya rin ang takbuhan ni Kylie Padilla kapag may kailangan itong damit na isusuot.

Katulad nung isang gabi sa Studio 6 ng GMA-7 sa presscon para sa Kapuso afternoon prime nila na kung saan present ang lahat ng artista mula sa Hiram Na Puso, The Good Daughter, Broken Vow at Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, ang ganda-ganda ng dalaga ni Binoe sa suot nitong all-yellow-dress na pinahiram daw sa kanya ng kanyang Tita Mariel.

Ang masaklap nga lang, nung kantahin na ni Kylie ang isa sa themsong ng kanyang teleserye ay kinapos siya ng paghinga at natawa na lang sa bandang gitna ng kanyang performance dahil sa sobrang sikip ng kanyang suot, at yun din ang first time niyang kumanta ng live onstage.

Anyway, hanga ang ‘friend’ ni Aljur Abrenica sa kanyang Tita Mariel dahil sa kabaitan nito sa kanya. Hindi ito nagdadamot sa kanya, at itinuturing siyang parang tunay na anak.

Speaking of Aljur, bihira na raw silang makapag-usap ngayon dahil sa sobrang busy nila pareho sa kanilang mga ginagawa. Katulad nya na sobrang focus  ngayon sa The Good Daughter para maibigay daw niya ng 100 percent ang kanyang pag-arte rito.

Maging ang kanyang tito, este, Tita BB ay di nga raw niya alam kung saan nakatira. Basta susulpot na lang ito bigla sa bahay ng kanyang daddy kahit iniisnab ng huli, nandyan naman daw si Mariel na handa laging tsumika sa bayaw niya. Hehehe!

Pero sobrang elibs ng tsinitang dalagang ito ni Binoe sa kanyang Tita BB dahil sa lakas ng loob daw na ipinakita nito para aminin in public ang kanyang tunay na katauhan. Hindi raw ito natakot sa magiging reaction ng ibang tao lalo na ng kanyang sariling pamilya sa kanyang ginawang paglaladlad ng kapa.

Oks naman daw ang action star na mag-boyfriend si Kylie basta sa tamang lalaki. Pero hangga’t maaari, kung puwede eh, huwag daw muna ngayon. Mag-concentrate raw muna siya sa work at sa mga gustong gawin niya sa buhay.

Sa klase ng pananalita ng magandang dalaga, grabe ang respetong ibinibigay niya sa kanyang ama.

Walang takot. Puro paghanga at paggalang lang ang nararamdaman niya para sa tatay niya.

***

Hayden at Dra. Belo sweet pa rin sa isa’t isa

NAGKITA sa isang opening ng restaurant sa The Fort ang dating magdyowang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Naunang dumating si lalaki at sumunod si babae. Duda ng mga nandoon sa lugar ay tila alam na ng dalawa na magkikita sila roon. Baka nga may usapan na sila.

Kitang-kita pa raw sa dalawa ang sweetness sa isa’t isa. Bagama’t sinasabi ni Dra. Belo na balo na siya (Hehehe!) ay hindi halata nang makipag-beso-beso ito kay Hayden.

Ano kaya ang feeling ng dalawang ito, mga teenager sila? Hahaha!

***

Julia at Enchong madalas sa Mandarin Hotel

ISANG text ang natanggap namin mula sa aming reader dito sa Remate. Aniya, madalas daw niyang makita sina Julia Montes at Enchong Dee na pumupunta ng Mandarin Hotel. Katunayan, sa parking lot na kung saan siya ang attendant nagpa-park ang dalawa.

Baka raw binabalik-balikan ng mga ito ang masarap na pagkain sa restuarant ng nasabing hotel.
Maliban kasi sa dalawa ay may ibang mga Kapamilya star ang pumupunta raw doon para lumafang.
Minsan nga raw ay grupo-grupo at partner-partner pa sila.

Makapunta nga para makatikim naman kami ng masarap ng luto. Magkano kaya ang isang order?
Baka atakehin kami sa puso kapag Mahalia Mendez ang presyo? Hahaha!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply