La Greta demanding?

DEMANDING na nga bang maituturing si Gretchen Barretto?

Kahapon (Martes, Marso 6) ay sinagot ng byuting aktres ang isyung ibinabato sa kanya lately na may kaugnayan sa kanyang mga demand para fresh na fresh na teleserye na “Princess and I” kung saan makakasama niya ang super husay na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Gretchen sa isang panayam sa ABS-CBN 2, na lahat naman ng demands niya ay para sa ikagaganda ng bagong proyekto (Yun naman pala eh, para sa ikagaganda naman pala ng show!).

Nais ni Gretchen na mas maayos ang kanyang role bilang isa sa royalty.

“I only make demands when it comes to my role and the people I work with because gusto ko ibigay a hundred percent of myself,” ani Gretchen.

Tiniyak din ni Gretchen na hindi mahihirapan ang management sa ibang mga pangangailangan niya para sa role.

Ikinuwento pa nga ni Gretchen na personal din siyang gumastos para sa mga gagamiting costumes kahit na nag-provide ang ABS-CBN ng mga costume para sa nasabing serye.

Tumulak na si Gretchen pa-Bhutan para sa taping ng Princess and I.

Maging si Kathryn ay tumulak na rin pa-Bhutan para sa taping ng programa na tiyak na maghi-hit.

Magiging hit ito, dahil makakasama nina Greta at Kathryn ang mahusay na aktor na si Mr. Albert Martinez at ang beauty queen/actress na si Lara Quigaman.

Plus pa ang mga panghatak sa tween viewers, na sina Khalil Ramos (Pilipinas Got Talent), Enrique Gil at ang cute na pamangkin ni Binoe na si Daniel Padilla. Silang tatlo ang mag-aagawan kay Kathryn sa istorya. Bongga!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply