Labi ng OFW na pinatay sa Singapore, lumapag na sa PHL

LUMAPAG na sa Ninoy Aquino International Airport ang bangkay ng isang Pinay domestic worker na namatay sa isang hotel sa bansang Singapore noong nakaraang linggo.

Dumating sa NAIA ang labi ni Rezzily Lodia Vinnegas dakong 11:30 kagabi (Marso 8) sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight 512.

Matatandaan na naiulat na natagpuang patay si Vinnegas kasama ang kasintahan nitong isang Bangladeshi sa loob ng isang hotel sa Singapore.

Nauna rito malaki ang hinala ng awtoridad na posibleng awayan ng magkasintahan ang naging motibo sa pagpatay.

Hindi naman matanggap ng mga naiwang kaanak ni Vinnegas mula sa Tagudin, Ilocos Sur ang biglang pagkamatay nito ngunit umaasa ang mga ito na matutuklasan din nila ang tunay na nangyari sa kaanak.

Samantala, nag-alok naman ng tulong ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pamilya ni Vinnegas at sinabi na handa silang magbigay ng ayuda sa mga ito para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaanak. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply