Labi ni Cong. Iggy dadalhin sa Bacolod

INILABAS na sa session hall ng Karama de Representantes ang labi ni Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo para dalhin sa Bacolod.

Pasado ala-una ng ilabas ang labi ng Kongresista sa Kamara.

Bago magtungo sa airport ay idinaan muna ang labi sa La Vista Subdivion sa Quezon City.

Pagdating sa Negros Occidental, ilalagak ang labi ni Cong. Iggy sa Magdalene Church, Hiningan.

Ibabalik sa La Vista ang labi bukas, March 6 hanggang sa Miyerkules (March 7) para sa final viewing.

Sa Biyernes (Marso 9) nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply