Labis na konsumo ng white rice magdudulot ng Type 2 diabetes

NATUKLASAN ng health researchers na ang mataas na pagkonsumo o sobrang pagkain ng white rice ay maaaring mgdulot ng Type 2 diabetes.

Ikinababahala ngayong ng kinauukulan ang naturang sakit na halos epidemic na sa ilang mga bansa.

“What we’ve found is white rice is likely to increase the risk of Type 2 diabetes, especially at high consumption levels such as in Asian populations,” ani Qi Sun ng Harvard School of Public Health.

Batay sa research na lumabas sa British Medical Journal (BMJ), tinukoy na ang pagkakaugnay sa sakit na Type 2 diabetes at sa white rice sa apat na iba pang mga pag-aaral na ikinasa sa mga bansang China, Japan, Australia at Estados Unidos.

Lumabas din sa pag-aaral na sa 35, 000 katao mula sa apat hanggang 22 taong gulang na kumakain ng white rice ng ilang panahon ay mahigit 13,000 ang nagkaroon ng Type 2 diabetes.

Sa ikinasang research sa China at Japan, ang mga tao na kumakain palagi ng kanin ay 55 porsiyentong nagkaroon ng sakit kumpara sa taong hindi kumakain nito.

Sa US at Australia, na ang consumption ng white rice ay mas mababa, lumalabas na 12 porsiyento lamang ang nagkakasakit ng Type 2 diabetes.

Naging bahagi rin ng pag-aaral ng dalawang bansa sa Asya na ang average ng mga tao ay kumakain ng mula tatlo hanggang apat na servings ng kanin sa isang araw habang sa western countries naman ay nasa isa hanggang dalawang servings lamang sa loob ng isang linggo.

Sa kabilang dako, kung pagbabasehan naman ang sugar content sa brown rice ay mayaman ito sa fiber, magnesium at vitamins, at mas mababa rin ang tinatawag na “glycaemic index” hindi katulad sa white rice.

Ang sakit na diabetes ay nakakaapekto sa halos 350 million na adults sa buong mundo ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Gayunman ayon sa mga doktor, isang malaking factor pa rin upang makaiwas sa naturang sakit ay ang tamang diet at sapat na regular na ehersisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply