Lacson, abswelto sa kaso ng martial law victims

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals noong 2003 na nauna nang nag-utos na hindi dapat magbayad ng danyos sina Sen. Panfilo Lacson at iba pa kaugnay nang naganap na pag-torture noong panahon ng batas militar.

Sa 24 pahinang desisyon, tinukoy ng Supreme Court Third Division sa pamamagitan ni Associate Justice Jose Mendoza na tama ang naging desisyon ng Court of Appeals nang baligtarin nito ang findings ng Quezon City Regional Trial Court noong 1993.

Sa  desisyon ng CA, tinukoy na hindi dapat magbayad si Lacson, gayundin sina dating AFP chief of staff Fabian Ver, Colonels Fidel Singson, Rolando Abadilla, Gerardo Lantoria, Galileo Kintanar, Maj. Rodolfo Aguinaldo, 1Lt. Pedro Tango at M/Sgt. Bienvenido Balaba ng danyos sa mga hinihinalang rebelde na kanilang inaresto at umano’y tinortyur noong kasagsagan ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Iginiit ng Korte Suprema na napagkaitan ng procedural due process ang mga akusado nang iutos noon ng korte sa Quezon City na magbayad sila ng danyos dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na mailahad ang kanilang panig.

Nabatid na P350,000 ang danyos na iniutos ng mababang hukuman laban sa mga akusado na dapat bayaran sa mga petitioner.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply