Lactose intolerance

MATAPOS kumain ng paborito ninyong cereal at gatas at nakaramdam na parang namamaga, nananakit ang tiyan na susundan pa ng pagbabawas?

Sintomas yan ng lactose intolerance.

Kapag nakaranas ng gas pain, pananakit ng tiyan na para pa ring maga ang pakiramdam, na gustong maduwal at muli ay magbawas pagkatapos kumain ng dairy foods, lahat pa rin yan ay sintomas ng nabanggit na.

Ang lactose intolerance ay uri nang di kanais nais na pakiramdam at nakahihiyang kalagayan na nararamdaman kapag ang katawan ay di makatunaw ng lactose. Ito ay isang uri ng asukal na sangkap ng mga dairy products, katulad ng gatas at iba pa.

Sa puntong ito, ang ating maliit na bituka ay naglalabas ng enzyme na tinatawag na lactose, na sumisira sa lactose at tumutulong sa katawan upang ito ay masipsip.

Kapag ang katawan ay hindi nakapagpapalabas ng wastong lactase ay nakararanas ang isang tao ng mga sintomas ng lactose intolerance.

Mga Sintomas ng Lactose Intolerance

1. Pananakit ng tiyan
2. Pamamaga ng tiyan
3. Gas
4. Pagtatae
5. Pagkaalibadbad na sanhi upang magsuka

Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring kaunti lamang hanggang papatindi. Walang gamot ang lactose intolerance, subalit may mga paraan din naman upang maging maayos ang pakiramdam ng isang taong may ganitong uri ng bagabag.

Kailangan lamang na sundin ang payo ng doktor ukol sa mga dapat at di dapat na kainin, gayundin tandaan kung kailan naranasan pagkatapos makain ang iba’t ibang uri ng pagkain na maaaring maging sanhi nito.

Iba pang mga kondisyon na maaaring maramdaman na katulad ng sintomas ng lactose intolerance, halimbawa ay ang irritable bowel syndrome, subalit di naman nangangailangan na bawasan ang pagkain ng dairy food dahil dito.

Mga paraan upang malaman kung ikaw ay may lactose intolerance, ito ay sa pamamagitan ng test ng doctor.

1. Hydrogen Breath Test – Tayo ay may kaunti lamang na hydrogen sa paghinga. Subalit kapag ang katawan natin ay di nakakapagtunaw ng lactose, ang antas ng hydrogen ay naiipon sa bituka at sa bandang huli ay dumadaan sa katawan sa pamamagitan ng hininga. Ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng hydrogen sa hininga.

2. Pagtataya ng Lactose Toleransiya – Ang pagtataya sa dugo ay sumusukat sa dami ng glucose sa dugo, ito ay sa pamamagitan ng pagkuha ng sample na dugo. Matapos ito, iinom ng likido na mataas sa lactose ang sinusuri. Matapos ang dalawang oras, mas maraming dugo ang kukunin. Ang lactose ang nagiging sanhi ng glucose blood levels para tumaas. Kapag ang antas ng glucose sa pangalawang sample ay hindi mataas nangangahulugan na di natunaw ang lactose.

3. Pagtataya ng Acidity sa dumi – Ang pagtataya na ito ay ginagamit upang malaman ang pagpaparaan ng lactose sa mga bata. Ang sample na dumi ay tinitipon matapos na ang sanggol o ang bata ay makainom ng likido na may lactose. Kapag ang lactose ay hindi natunaw, ito ay nagiging lactic acid, at iba pang uri ng acid, sa ganitong paraan ay nasusukat at nalalaman ang acid sa dumi.

4. Pagpapalit ng lactose enzyme tablets o caplets – ang pag – inom ng lactase enzyme tablet o caplets sa unang inom o kagat ng dairy food ay makatutulong upang mapigil ang lactose intolerance syndrome.

5. Walang lactose, o pinababang lactose sa gatas at dairy products – maraming pabrikante na gumagawa ng mga dairy products na halos wala nang lactose na sangkap bagkus ay lactase ang ginagamit na pamalit.

6. Dairy – Free products – maraming pwedeng pamalit sa dairy, tulad ng soy or rice milk.

Maraming pagkain ang may sangkap na lactose subalit di – ito nakabulgar. Kung kayo ay sensitibo sa lactose, iwasan ang mga sumusunod na produkto, tulad ng:

1. Instant foods (breakfast drink mixes, mashed potatoes, soups, at meal replacement drinks).
2. Bread, baking and pancake mixes.
3. Baked goods.
4. Breakfast cereals.
5. Dairy creamers (liquid and powdered)
6. Non dairy whipped topping
7. Salad Dressing
8. Margarine
9. Protein and meal replacement bars
10. Processed meats (bacon, hot dogs, sausage, and lunch meats)
11. Candy

Upang makatulong na hadlangan ang sintomas ng lactose intolerance, ay basahing mabuti ang mga etiketa ng mga produktong bibilhin. Kapag namimili at magluluto hanapin ang mga produktong may sangkap na lactose tulad ng:

1. Milk
2. Dry milk solids
3. Nonfat dry milk powder
4. Milk by products
5. Lactose
6. Whey
7. Curds

Kapag dumaranas ng lactose intolerance, huwag hayaan na kayo ay hindi makakuha ng sapat na Calcium sa inyong mga kinakain. Ang Calcium sa inyong mga kinakain ay isang pangunahing sustansya at mahalaga para magkaroon ng malusog na ngipin at buto.

Ayon sa National Institute of Health, maraming tao na mga lactose intolerant ang maaaring makakonsumo ng 12 gramo ng lactose o isang tasa ng gatas at di makararanas ng malubhang sintomas – lalo na kung kakainin ito na may kasamang ibang pagkain.

Ang dairy products ay pangunahing pinagkukunan ng Calcium, subalit marami pa ring iba pang uri ng pagkain na mayaman sa Calcium, dito ay kasama ang gulay at prutas katulad ng:

1. Green, leafy vegetables (kale,collard greens)
2. Non – dairy beverages, tulad ng soy, rice at almond milk
3. Broccoli
4. Beans
5. Nuts (almonds, hazel nuts, pecans, walnuts)

Iba pang dairy – free o mababa sa lactose, gayun din, mga pagkaing mayaman sa Calcium gaya ng sumusunod:

1. Canned fish with edible bones (sardines and salmon)
2. Plain, low – fat yogurt
3. Reduced – lactose milk
4. Ice Cream
5. Cottage Cheese
6. Hard Cheese (like Swiss)

Ang lactose intolerance ay hindi naaayon sa pakiramdam, subalit ito naman ay napararaanan. Kailangan lamang ay maging maingat sa kinakain, maaari namang maiwasan ang sakit at pagkairita sa lactose intolerance kaya dapat sigurahin na ang buto at katawan ay maging malusog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply