Lady forester na pinaslang sa Cagayan pinarangalan

DAHIL sa pagtupad sa tungkulin para protektahan ang kalikasan, ay pinarangalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pinaslang na lady forester na si Melania Bitlon Dirain.

Si Melania Bitlon Dirain. ay pinaslang noong Pebrero 7, 2012 sa Sanchez Mira, Cagayan.

Pinagkalooban din ni Environment Secretary Ramon Paje ng full scholarship grant ang mga anak ni Dirain na sina Albert, 16 at Miguel, 18.

Kasama aniya sa scloarship grant ang pagbibigay ng P3,000 allowance kada buwan, P1,500 na book allowance kada semester at P10,000 para sa thesis allowance ng mga ito.

Bukod dito, inalok rin ng Kalihim si Miguel ng isang employment contract sa DENR’s Forest Management Bureau.

Si Albert ay graduating ng high school sa Academy of St Joseph sa Claveria, Cagayan bilang valedictorian habang si Miguel naman ay second year college sa Polytechnic University of the Philippines, at kumukuha ng kursong Human Resource Management.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply