Lady Gaga, Lady Bobo, Lady Pangit

HINDI po Miriam ang pangalan ng propesora kong pinatutukulan.

May kilala akong Miriam na tunay na magalang at hindi pangit ang itsura at ugali. May kilala rin akong Brenda na napakaganda at napakatalino at hindi brain-damaged ang utak.

Ang propesora kong ito ay isang terorista sa classroom at ganoon na lamang kung hamakin niya ang mga classmate ko sa college.

Tambak daw sa pagkabobo ng mga classmate ko pero nang mag research ako tungkol sa kanyang academic achievements, pasang-awa lamang pala ito.

Para pagtakpan ang kanyang kakulangang sa kanyang pag-iisip ay kumuha siya ng masteral degree hanggang sa siya ay maging isang doctor of philosophy holder.

“In the court of intellectual debates,” sabi niya, “it is I alone who will decide your fate. I am your judge and no one is allowed to question me.”

Arogante talaga ang propesora kong ito. Lagi ko siyang nabubuko sa kanyang kapalpakan dahil kung ano-anong maling provisions of law ang kanyang itinuturo.

Tunay na isang Brenda, or “Brain-Damaged.”

Sa galit niya sa akin ay sinigawan niya ako nang ganito: “Stop talking! Your classmates want to listen to my lecture!”

At sumagot naman ako: “Class, do you want to listen and close your ears to all this farce?” The entire class shouted: “No!”

Thereupon, she picked up her bag, complained her BP was shooting up and pretended she was collapsing. She was brought to the hospital and returned only after the semester was over.

Ganyan ang alamat ng propesora kong ito.

Hindi ko tiyak kung siya ay pumasok na sa ibang raket. Hindi ko rin alam kung naging congresswoman siya o cabinet member o dili kaya ay naging totoong judge.

Pero natitiyak kong hindi siya naging senadora.

At mabuti naman dahil kung naging senadora siya ay siyempre magiging senator-judge din siya at doon siya maghasik ng kasinungalingan, kabobohan, kagagahan, kabastusan at kapangitan ng anyo at ugali gamit ang kanyang BP
gadget.

Alam kong may parliamentary courtesy sa pagitan ng House of Representatives at ng Senate pero kung naging senadora ang bobo at gagang propesora ko, baka exempted siya sa good manners and right conduct.

Kung naging isa siyang Miriam Defensor Santiago, magwawala kaya siya pag nagtakip ng tainga ang private prosecutor para hindi maapektuhan ang ear drums ng abogadong ito?

Pero ang propesora ko ay hindi isang Miriam Defensor Santiago. Isang Miriam Defensor Santiago na ang grado sa bar exam ay 78 or something samantalang ang private prosecutor na nagtakip ng tainga ay nakakuha naman ng grade na over 80%.

Nasaan na kaya ngayon ang propesora kong ito? Naku, huwag naman sanang na-detain sa national mental hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply