Laglagan

ANG malaking kompanya, maging ang gobyerno, ay pilit pinagkakaisa ang mga tauhan upang maging matagumpay ang kanilang adhikain at misyon. Kaya nga may pagkakataon na pinaglalapit ang bawat isa sa pamamagitan ng team building at group bonding ng pamunuan at mga tauhan. Kapag nagkakaisa ang lahat ay nagiging maayos ang takbo ng tanggapan at kalakalan.

Walang magaling, walang palpak at walang bida o kontrabida. Nakasalalay sa lahat ang tagumpay ng trabaho o operasyon at ‘di sa kamay ng iilan lamang.

Kabaligtaran ito ng nangyayari ngayon sa pamunuan ni Manila Mayor Alfredo Lim. Nais ng butihing alkalde na mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga mamamayan kaya’t lahat ng alam niya na makabubuti ay kanyang ipinatutupad.

Subalit ang mga taong nakapaligid sa kanya ay ‘di lahat nagnanais ng kabutihan para sa ikabubuti ng marami.

May mga alipores ang butihing alkalde na puro pansarili ang diskarte kaya panay ang ngatngat sa tenga ni Lolo Mayor at di tumitigil hanggang di lumulutong at bumibigay sa kanilang ingay.

Kanya-kanyang palakasan ang mga taong nakapaligid sa mayor ng Maynila kahit pa ang maging kahinatnan nito ay kasiraan ng iba nilang kasamahan. Laglagan ngayon ang labanan ng mga sulsultant ng alkalde kaya naman kanya-kanyang pagalingan sa pagpapalakas at pagpapabida. Pilit inilalaglag ng mga nagsasabing magaling sila ang isang anila ay bobitang hepe ng isang departamento. Mali-mali at papalit palit umano ang desisyon ng director na ito kaya naman nasisira ang magandang record at imahe ng mahusay na alkalde.

Kaya, Mayor Lim, makabubuti na kalusin mo na ang umaasta nang sobra sa iyong administrasyon at putulin ang sungay ng mga umaabuso. Kilalanin mong mabuti ang mga taong nakapaligid sa iyo dahil marami pa rin naman ang mahuhusay kaysa bulok.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply