Lakers wagi vs Grizzlies, 116-111

DALAWANG overtime ang kinailangan ng Los Angeles Lakers upang sugpuin ang Memphis Grizzlies, 116-111 sa 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season kaninang umaga.

Kumana ng season-high 37 points at 16 rebounds si Andrew Bynum habang 22 puntos, nine boards at limang assist ang inambag ni Kobe Bryant upang ilista ang three-game winning streak ng Lakers.

“They’re a young team, they’re hot, and they were coming for our spot,” sabi ni Bynum. “We had to defend it, and we did that.”

May 26-16 win-loss slate ang Lakers sapat upang lumapag sa pangatlong puwesto sa Western Conference.

“The big games he had at the start of the season, he was having good games, but he wasn’t being featured,” ani Bryant. “This is different. We’re featuring him, and we’re looking for him to make plays out of double-teams, and make plays for others, not just himself.”

Nakalamang agad ang Grizzlies sa second overtime subalit gumanti agad ang Lakers ng anim na sunod na puntos kasama ang pares na baskets ni Bynum dahilan upang magtuluy-tuloy hanggang sa huling buzzer.

“We played a great game, and we should have won the game,” wika ni Memphis coach Lionel Hollins. “We had a few mental lapses at key times. As I’m always telling those guys, it’s the small things that win or lose games.”

Si Marreese Speights ang top scorer para sa Grizzlies na may nilikom na 25 markers, seven boards at five assists habang sumegunda si Marc Gasol na may 20 points, 11 rebounds at tatlong assists.

Samantala, nanaig din sa extra period ang Orlando Magic at Denver Nuggets.

Pinalamig ng Magic ang Miami Heat, 104-98 habang ginilitan ng Nuggets ang Atlanta Hawk, 118-117.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply