Lalaya na, pinatay pa

LUWA ang bituka ng isang preso na papalaya na sana nang pagsasaksakin ito ng kakosang pinsan sa loob mismo ng kanilang selda sa General Santos Reformatory Center kahapon ng tanghali (Marso 26).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ngayon, kinilala ang biktima na si Jimmy Lara, 28-anyos.

Tiyak namang madaragdagan ang bubunuin sa loob ng bilangguan ng suspek na si Arjay Lara.

Ayon sa report ni Jail Officer 1 Jerwin Dacera, nakakulong ang dalawa dahil sa kasong pagnanakaw at isang buwan na lamang ang inaantay ay makakalaya na, bago ang insidente.

Sa pagsisiyasat, sinasabing tinawag ng suspek ang kanyang pinsan at paglapit nito ay bigla na lang pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang improvised na kutsilyo.

Agad na isinugod ang biktima sa General Santos City Hospital subalit hindi rin ito nagtagal at binawian ng buhay dahil halos bumuka ang parte ng tiyan ng biktima sa laki ng butas at inabot din ang mga lamang loob.

Patuloy na inaalam ng awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply