Lamig sa Baguio City tumindi

BIGLA ang pagbagsak ng temperatura sa summer capital of the Philippines.

Ayon sa Pagasa-Baguio, bumaba sa 11.4 degrees Celsius ang tindi ng lamig sa lungsod kanina, lalo na sa madaling araw.

Sinasabing ito na ang pinakamababang temperatura na naitala ngayong buwan ng Marso habang papalapit ang summer vacation at Semana Santa na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ang malamig at mahamog na panahon sa nasabing lalawigan.

Sinasabing dulot ng cold front na umiiral sa bansa ang pagbagsak ng temperatura sa Baguio.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply