Land syndicate sa Calabarzon

KAILANGAN sigurong kumilos si Pangulong Noynoy Aquino laban sa sindikato na nagagawang patituluhan ang mga government o public land.

Kalat sa bansa ang iregularidad sa bogus land titling’, lalo na sa Calabarzon (Region 4A) kaya dapat mabahala ang PNoy administration.

At take note Mr. President, ang sindikato ay binubuo ng mga tiwaling opisyal ng Bureau of Land at line agencies nito, tulad ng Environment and Natural Resources at Land Registration Office.

Malinaw na nasusuway ang ‘Matuwid na Daan” at anti-corruption campaign ni PNoy at mismong mga taga-BoL, DENR at LRO ang nasa likod ng katarantaduhang ito.

Isang ‘Erwin’ ang umano’y lider ng sindikato ang nagawa nang patituluhan ang ilang lupa ng pamahalaan sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Umiikot sila sa mga ‘underdeveloped’ lots ng gobyerno, lalo na sa lugar ng mga iskwater at nagagawan nilang mapatituluhan ang nais nilang patituluhan na lupa.

Kinakasabwat ng grupo ni Erwin ang mga personahe na may kinalaman sa government lots na kinukunan nila ng technical descrition ng lupa para magamit nila sa ‘bogus land titling’.

Kapag nakuha na ng sindikato ang technical descriptions ng target nilang government lots, saka kikilos ang kanilang mga kontak sa BoL, DENR at  LRO.

Kapag napatituluhan na ang government lots, saka pupuwersahing paalisin ng sindikato ang mga nakatirik o nakatira rito na karaniwa’y mga squatter family.

Dahil walang kakayahan na ipagtanggol ang karapatan ay mapipilitang likasin ng naturang iskwater families ang kanilang kinalakihang lugar na dapat sana ay sila ang makapagpatitulo sa bisa ng umiiral na batas, lalong lalo na ang Public Land Act.

Aba’y yumaman na raw si Erwin at ang kanyang grupo dahil sa dami ng napatituluhan na lupa riyan sa area ng Calabarzon.

Ang bawat lupa kasi na napatitituluhan ay naibebenta nila sa mga kostumer na ang negosyo ay mamuhunan sa lupa, karamihan ang mga Chinese national.

Kapag nagkataon sa Office of The Ombudsman at sa Sandiganbayan pupulutin ang mga kakutsabang kawani at opisyal ng gobyerno, kasama, ang grupo nina Erwin at ang kasabwat ng mga gahamang pribadong land owner. Ang Chokepoint ay nakipag-ugnayan na sa Criminal Investigation and Detection Group para buwagin ang sindikatong ito na kumakamkam ng lupa ng gobyerno.

Pagtitiyak sa atin ng CIDG leadership, may kalalagyan ang grupo ni Erwin. Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply