Larong ‘didal’ ng mga mandididal

KUNG may dapat pagtuunan ng pansin si Region 4A director C/Supt. James Melad bukod sa krimen, ito ang sumisikat na larong ‘didal’ na laganap ngayon sa kanyang area of responsibility.

Sa pakahulugan pa lang ng salitang ‘didal’ ay malinaw na  ito’y panloloko.

Ang  ‘didal’ ay simpleng panghoholdap sa mga mananaya dahil walang nananalo, bagkus nakukunan lang ng pera.

Dahil ang ‘datung’ ay madali sa larong ito, ang mga ‘enterprising’ gambling operator ay isinasama na ito bilang isa sa ‘games’ sa kanilang mga pergalan, bukod pa sa beto-beto at iba pa.

Nakaaadik ito, ayon sa kuwento ng isang kakilala na nagsumbong sa Chokepoint para mailabas ang kanyang karanasan na hindi na dapat, aniyang, danasin pa ng iba na maloloko ng laro na ‘didal.’

‘Di naman daw niya ninais na maglaro ng ‘didal’ pero isang gabi na naparaan siya sa pergalan sa Lipa City, Batangas, ay may taong lumapit sa kanya at siya’y pinataya na nanalo ng ilang beses.

Pero pagkatapos  ay ‘di na siya muling nanalo dahil puro na siya talo. Katunayan, aniya, ay naghirap siya sa isang linggo lamang na paglalaro ng ‘didal’ sa kagustuhang mabawi ang malaking talo.

Batid naman ng mga pulis ang laro na ito na puro panloloko lamang sa mga kawawang mananaya.

Pero dahil sa protection money na tinatanggap sa mga pergalan owner, sila’y nagbubulag-bulagan na lang.

At sa mga pergalan operator, naku naman, maghunos-dili naman kayo.

Kumikita na nga kayo sa mga iligal na sugalan sa inyong mga pergalan eh, isinama pa ninyo ang ‘didal’ sa inyong mga palaro.

Gen. Melad, sir, sobra na, tama na ang panloloko sa mga kawawang mananaya na pambili na lang ng bigas eh sa pergalan pa napupunta.

Tama na ang mga beto-beto, atbp, h’wag naman ang ‘didal.’

Ang mga pergalan na may larong ‘didal’ ay ang hawak ni Rolly Taque sa Brgy. Dagatan, Emely Tomboy sa Brgy. Lumbang at  Brgy. Bulacnin na ang mga partners ay sina Boyet at Roda.

Ang pergalan sa Brgy. Tangub sa bayan ng Padre Garcia at sa Matabungkay, Lian at Brgy. Tabangao, Batangas City ay matindi rin daw ang larong ‘didal’.

Sana’y, ‘di masisira si Gen. Melad at mga tauhan nito dahil sa ‘lagay’ na ibinibigay ng mga pergalan operator na ginawa nang pagkakakitaan ang larong ‘didal’ na ang nabibiktima ay mga kawawang mananaya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply