LBC branch pa pinasok ng bolt cutter gang

MALAYA na namang nakapasok ang mga miyembro ng Bolt Cutter sa isang sangay ng LBC kung saan kanilang natangay ang malaking halaga ng salapi, cellphone at computer set kahapon sa Las Piñas City.

Nabatid na kaninang umaga lamang natuklasan ni Dexter Amparo, 37, Customer Associate ng sangay ng LBC na nasa 349 Real St., Brgy Pulanglupa I ang nangyaring panloloob matapos nilang buksan ang establisimiyento dakong alas-6:20 ng umaga.

Sa tinanggap na ulat ni Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, posibleng gumamit ng bolt cutter ang mga suspek nang putulin ang mga kandado ng bakal na pintuan ng establisimiento kaya nakapasok ang mga ito at tangayin ang mga kagamitan at P10,000 cash sa drawer.

Lumalabas na walang naiiwang guwardiya sa naturang establisimiyento at isinasara lamang ito kapag tapos na ang oras ng trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply