Le Tour de Filipinas aarya na

ANG 2012 Le Tour de Filipinas ay nakatakdang pumalansangan sa Abril 14 na katatampukan ng sampung dayuhang koponan at limang lokal na team na maghahagaran sa 502-kilometro ng apat na stage na hagibisan na may katumbas na salaping gantimpala at tropeo.

Ito na ang pangatlong edisyon ng torneo na saklaw ng International Cycling Union. Ang pangatlong edisyon ng karera ng bisikleta ay magiging mapanghamon kumpara sa dalawang naunang torneo dahil hindi gamay o pamilyar sa mga siklista ang mga babagtasing ruta. Dulot nito ay ilang pagbabago na hindi pamilyar lalo na’t sa mga dayuhang siklista. Ito ay ayon sa pahayag ni Gary Cayton ng Dos 1, organizer ng tour.

Bubuuin ang bawat team ng limang rider at may 2 alternate na hahalili kung kinakailangan. Ang bansang Taiwan at ang Singapore ay may tigalawang team na ilalahok, OCBC at Team Fuji-Singapore Asia habang ang Taiwan ay kakatawanin ng CCN Cycling at ng Giant Kenda/RTS Cycling Team.

Ang iba pang kalahok ay ang Jogia Cycling ng Indonesia, Dutch/Global Cycling ng Netherlands, Terengganu ng Malaysia, Plan B Racing Team ng Australia, Pure Black ng New Zealand, Asian Racing Team ng Japan at Soren Team ng bansang Uzbekistan.

Ang primerong stage ay ang 155.75-kilometro mula sa Sta. Ana, Cagayan hanggang Tuguegarao na babagtas sa may 20 bayan. Ang second stage na 109.43-km ay mula Tuguegarao hanggang Cauayan City, Isabela habang ang 3rd stage na 102.52-km ay mula Cauayan City na matatapos sa Bayombong, Nueva Vizcaya. Ang pang-apat at final lap ay ang Bayombong, Nueva Vizcaya hanggang sa Burnham Park sa Baguio City, kung saan gaganapin ang awarding ceremonies.

Ang koponan ng Pilipinas na kasalukuyang binubuo ay katatampukan ng mga de-kalibreng siklista na may kanya-kanyang sariling indibidwal at team na kakayahan. RADING TORRES

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply