LGUs hiniling na makiisa sa Earth Hour bukas

INAASAHAN ang pakikiisa ng lahat ng lokalidad sa mga probinsiya, lungsod, munisipalidad at mga barangay sa bansa sa Earth Hour bukas (Sabado, Marso 31).

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng lokal na pamahalaan para suportahan ang “Earth Hour 2012” sa simpleng pagpatay ng mga ilaw sa kanilang mga tahanan nang hanggang isang oras simula alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi bukas.

“Let us show our commitment to protect and preserve the environment and be counted in this campaign to save Mother Earth,” ani Robredo.

Sa kanyang direktiba iniutos ni Robredo sa lahat ng lokal na opisyal na gumawa ng kaniya-kaniyang event ng Earth Hour sa pamamagitan ng mga sumusunod na aktibidad:

1. Pagpatay ng mga ilaw at electrical appliances sa itinakdang Earth Hour;

2. Pagsasabit ng mga streamers/ tarpaulins para sa pag-aanunsiyo ng nasabing event sa kani-kanilang lokalidad.

3. Pag-anunsiyo ng Earth Hour campaign sa flag-raising ceremony o lingguhang mga komperensiya.

4. Pag-organisa ng isang talakayin upang maipaliwanag ang kahalagahan ng aktibidad at ang banta ng global warming;

5. Pagtatanim ng mga puno sa bawat komunidad na lalahukan ng lahat ng residente nito.

6. Paggamit ng social media para maisama ang mga kabataan sa kampanya;

7. Pagkumbinse sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa paggamit ng fluorescent lamps sa halip na bombilya sa kanilang mga opisina.

Ang Earth Hour, ay unang sinimulan sa bansang Australia noong 2007.

Noong 2011, nasa total na 1,661 lungsod at manusipalidad sa bansa ang nakiisa sa Earth Hour.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply