Libreng sakay handa sa nakaambang tigil-pasada

MAY nakahanda nang tulong ang pamahalaan sa commuters sa oras na ituloy ng transport groups ang banta nilang tigil-pasada bunsod ng patuloy na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang dapat ikabahala dahil magbibigay ng libreng-sakay ang gobyerno para sa mga apektadong commuters.

Sa ulat, ngayong linggo ay muling magpapatupad ng P.25 oil price hike ang mga kompanya ng langis at posibleng pumalo na rin sa P60/liter level ang gasolina.

Nananalig naman ang Malakanyang na isaalang-alang ng transport groups ang kapakanan ng mga mananakay at ikonsidera ang kanilang binabalak na kilos-protesta.

Patuloy naman ang reloading ng smartcards para sa  pantawid pasada ng jeepney drivers.

Ang pantawid pasada program ay pansamantala lamang habang inaayos ang long-term solution sa problema.

Muling nanawagan ang Malacañang sa transport groups na iwasang makaperwisyo sa publiko hinggil sa binabalak na kilos protesta laban sa patuloy na pagtataas sa presyo ng langis.

Noong nakaraang linggo, may ilang bayan sa Bicol ang nagkaroon ng tigil-pasada habang nagbabalak din ang transport groups na susundan dito sa Metro Manila.

Aniya, nirerespeto nila ang pagpapahayag ng damdamin ng operators at tsuper pero hindi dapat makompromiso ang kapakanan ng riding public.

Itinanggi naman ng Malakanyang na pro-oil companies ang pamahalaan.

Ang katwiran ni Usec. Valte, binabalanse lamang nila ang magkabilang panig at hindi naman nagpapabaya sa concerns ng transport sector.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply