Libu-libo mawawalan ng trabaho kapalit ng wage hike

KINONDENA ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pahayag ng Ibon Foundation hinggil sa panukalang P125 na across the board wage hike.

Una rito, nagpahayag ang naturang local research group na kayang-kayang ibigay ng mga employer ang panukalang P125 across the board wage increase sa halos apat na milyong empleyado sa buong bansa.

Nilinaw ni ECOP president Ed Lacson,  na kung pagbibigyan ang naturang hirit ay malamang na mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa sa buong bansa.

Samantala, sakaling mapagbigyan ang hirit na wage hike, wala pang masabing eksaktong halaga ang ECOP dahil sa katuwiran nilang dadaan pa ito sa kanilang masusing pag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply