Libu-libong OFW aabandonahin sa pagsasara ng embahada, konsulada–Recto

LIBU-LIBONG overseas Filipino worker ang aabandonahin ng pamahalaan sa sandaling isara na ang may sampung embahada at konsulada ng Pilipinas na saklaw ng Europa.

iginiit ni Senador Ralph G. Recto, maling paraan ng pagtitipid ang gagawin ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng pagsasara ng mga embahada at konsulada sa ibang bansa.

“This is a wrong cost-cutting strategy,” ani Recto, Senate ways and means chairman at miyembro ng Senate foreign relations.

Aniya, ang mga OFW ang may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa kung kaya’t “bayani ng bayan” ang tawag sa kanila.

“Serving Filipinos abroad through the presence of embassies should not be treated as a budgetary expense but an investment or rather an obligatory “thank you” note,” diin Recto.

Sa plano aniya ng pamahalaan, mistulang tinatanggalan ng karapatan ang mga OFW na makakuha ng serbisyo mula sa gobyerno.

Dagdag pa ni Recto, na ang P100 hanggang P150 milyon matitipid ng pamahalaan ay hindi kayang ikumpara sa kontribusyon na ipinapasok ng mga OFW na nagtatrabaho sa Europa at iba pang major cities sa buong mundo.

“If we can spend P34.9 billion for the poor under the conditional cash transfer program, what’s P150 million to serve productive OFWs who are also symbolically playing the role as our de facto ambassadors to many foreign households and workplaces,” giit ni Recto.

Sinabi pa nito, taliwas sa isinusulong na “More Fun in the Philippines”, hindi kasiya-siya ang planong pagsasara ng mga embahada at konsulada.

“There is sadness written all over this proposal and foreign tourists would easily sense that nothing is fun in a country that is shutting down its embassies to the detriment of migrant Filipinos,” anang senador.

Ayon kay Recto, sa may 239 mga bansa, 66 Philippine embassies, 23 consulates at apat na diplomatic missions sa buong mundo ang nakatalaga.

Kabilang sa mga embassies at consulates na isasara sa darating na Hulyo ay ang nasa Barcelona, Dublin, Frankfurt, Stockholm, Bucharest, Helsinki, Caracas, Havana, Saipan at Palau.

Nabatid pa na mahigit sa 40,000 Pinoy ang nagtatrabaho at naninirahan sa Frankfurt; 30,000 sa Barcelona, mahigit sa 8,000 sa Palau at Saipan, at libu-libo pa sa Dublin, Stockholm, Bucharest, Helsinki, Caracas at Havana.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply