Liderato ni PNoy ang kailangan sa ARMM

HINDI na bago kung muli mang maharap sa mga pagsubok ang mga lalawigan na sakop ng Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Sa totoo lang, maituturing ngang ‘mild’ na lamang ngayon ang problemang kinahaharap ng ARMM kumpara rati na kapag nabanggit ang salitang Mindanao man lang o anomang bayan dito ay takot, karahasan at pangamba ang unang naiisip ninoman.

Kung noon ay panganib sa buhay ang pinoproblema ng mga namumuno sa ARMM, sa ngayon ay mga krisis na lamang na sa tingin naman natin ay agad na ring magagawan ng paraan.

Marahil dahil hindi na ipinaiiral ang ura-uradang desisyon na ginagawa noon ng mga nanungkulan sa ARMM.  Wala nang dahas at wala na ang naghaharing-uri na kailangang sundin ng mga walang mapagpiliang mamamayan.

Ika nga eh, mas umiiral na ngayon ang paniniwala ni PNoy na ang mamamayan ang dapat na boss ng bayan.

Sa isang banda, naniniwala tayong ang ikauunlad ng isang bayan, kahit galing pa yan sa kalugmukan ay nakadepende sa lider. At ang estilo na iyan ni PNoy ang sa tingin ko ay ang kailangan sa ARMM.

-000-

Kung ang ilang mambabatas ay ipinipilit na bigyan ng emergency powers si PNoy para mabigyan ng agad na solusyon ang sinasabing krisis sa kuryente ngayon sa Mindanao, mismong si PNoy ay duda kung kailangan nga ba ito.

Oo nga at nakapangangamba ang krisis ng kuryente sa Mindanao, pero malamang ay naiisip din ni PNoy na may iba pang solusyon para matugunan ang problemang ito. Ibig lang sabihin na may tiwala pa ang Pangulo sa kanyang iniluklok sa Mindanao para gumawa ng aksyon nang ‘di siya nanghihimasok.

Sabagay, naglagay ka pa nga naman ng tao mo sa Mindanao kung hindi mo naman pagkakatiwalaan ang kanyang kakayahan na lutasin ang problema sa kanyang nasasakupan.

-000-

Sa tipo ng pagdadala ni PNoy sa bansa sa kasalukuyan, ito ang estilo na sa tingin ko ay kailangan sa ARMM. Wala naman kasing ibang hiling ang Muslim Mindanao kundi ang marating ang inaasahan na pag-unlad at kapayapaan para sa mahigit 2.8 milyon katao sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Marawi.

At naniniwala tayong sa mahinahong liderato, makakamit ng ARMM ang inaasam sa pamamagitan ng malinaw na paggabay sa direksyong tutunguhin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply