Life sa rapist ng dalawang dentista

HINATULAN ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ng Manila Regional Trial ang isang lalaki na napatunayang nangholdap at nanggahasa ng dalawang dentista sa Maynila noong Mayo 2011.

Batay sa 10 pahinang desisyon ni Manila RTC Judge Dinnah Aguila-Topacio ng Branch 42, si Albert Galang dela Cruz,  alyas Albert Maliwat, 31 ay napatunayang nagkasala at pinagbabayad ng halagang P193,500 para sa mga alahas at personal na gamit na nakuha sa dalawang biktima na kapwa dentista.

Bukod dito, pinagbabayad din si Dela Cruz ng P75,000 para sa civil indemnity at P75,000 para sa moral damages.

Nabatid na gumamit din ng mga alyas na Alvin, Aldrin, Alex, Alexander, Jeffrey, Jason, at  Jake, si Dela Cruz at apelyido na Galang, Musngi, Maliwat, Gapeon at Santos.

Nakasaad sa rekord ng korte, naganap ang panloloob ni Dela Cruz sa klinika ng biktimang si Dra. Aida, hindi tunay na pangalan noong Mayo 26,2011 sa Paco, Maynila.

Nabatid na nagpanggap umano ang dalawang suspek, kabilang si Dela Cruz na pasyente at magpapalinis ng ngipin.

Ngunit pagkatapos malinis ang ngipin ay nagdeklara ng holdap ang suspek.

Hindi pa umano ito na siyahan at nilimas ang mga alahas ng biktima at ginahasa pa sa loob ng klinika ang dentista.

“Satisfied” at “justice has been served,” ang naging reaksiyon ng mga lumuluhang biktima na dumalo sa ginanap na pagbasa ng hatol sa akusado.

Ang suspek ay positibong kinilala ng mga biktima at iba pang dentista na biktima nito, matapos na maaresto sa kanyang bahay sa Las Piñas.

Hindi naman kinakitaan ng pagsisisi si Dela Cruz, kung saan sinabi nito na hindi na niya iaapela pa ang kanyang kaso.

Agad namang dinala sa New Bilibid Prison si Dela Cruz matapos na maglabas ang korte ng mitimus order.

Samantala, ayon naman kay Arturo de Leon, national President ng Philippine Dental Association (PDA), nasisiyahan sila sa naging hatol ng hukom kay Dela Cruz at nagpapasalamat sa lahat ng kanilang miyembro sa pagtulong at ginawang pagtulong sa mga naging biktima ng akusado.

Nalaman na ang pag-aaral sa seguridad, pag-iingat ng mga dentista ay nakatakda nilang isama sa curriculum ng pag-aaral para matutunan ng mga dentista kung papaano mabibigyan ng proteksiyon ang kanilang mga sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply