Lilipas din ang problema at muling magbabalik si Jose Manalo sa kanyang pamilya!

NU’NG concert sa Smart Araneta nina Jose Manalo at Wally Bayola ay napansin namin na parang mas lumutang si Wally. Although, alam namin na mas magaling at may timing ang una sa pagpapatawa sa entablado kumpara sa huli. Pero, sa sarili naming opinion, parang natalbugan ni Wally si Jose nu’ng gabing ‘yun.

“Kasi may pinagdadaanan si Jose,” sey ng aming source.

Hanggang lumantad na ang misis niyang si Analyn sa The Buzz Kinalingguhan at nagpa-interbyu na diumano’y inabandona sila. Nag-text ulit kami sa source namin kung yun ba ang pinagdadaanan ng komedyante? “

“Tama,” text back ng source namin.

Sa true lang, madalas naming iprodyus sina Wally at Jose sa Zirkoh, Morato. Nararamdaman namin ang karisma ni Jose sa mga babae dahil magaling siya talagang komedyante at siya ang pasimuno ng katatawanan sa entablado. Lapitin siya ng mga babae dahil napatatawa niya ang mga ito. Pero kahit nu’ng hindi pa siya sikat ay habulin na siya ng mga babae. Kung mapagpatol ito, aba’y nagbilang na siya ng mga babae. Pero hindi naman niya ginawa.

Hindi naman pabayang ama si Jose. Nakikita pa nga namin ang mga anak niya na nagpupunta sa Zirkoh at pinanonood siya. Nu’ng masangkot ang asawa ni Jose sa ilang reklamo, nandiyan pa rin si Jose sa asawa niya at hindi naman niya ito iniwan kesehodang nawala sa Eat Bulaga ang komedyante at nadamay siya sa reklamo.

Dumadaan talaga sa relasyon ng mag-asawa ang pagsubok pero feeling namin lilipas din ‘yan at babalik din si Jose sa tunay niyang pamilya.

-0o0-

NAGING kontrobersyal ang video shoot ng Mocha Girls sa kanilang kantang PINAY AKO. Marami ang nagtaas ng kilay dahil sa paggamit nila ng jacket na may desenyong ng bandila ng Pilipinas.

Matatandaang pinagbawal na ito sa ating batas. Sumunod pa nito ang pag gamit ni Mocha Uson, lider ng grupo, ng Bandila bilang pakpak o cape.

Hindi pa siya nakuntento at nagpa-body paint pa ang Mocha Girls sa kanilang nagseseksihang katawan na may disenyo ng Philippine flag.

Nakausap ng TV5 news reporter na si MJ Marfori ang National Historical Commission at ayon sa tagapagsalita nito ay ipapatawag nila ang Mocha Girls at pagpapaliwanagin nila ang mga ito.

“Bakit kami lang ang pinupuna nila e mismong si Manny Pacquiao ay nagsusuot na may disenyo ng Philippine Flag? Ang batas ba ay namimili ng huhusgahan?”

“Dahil ba sa kami ay sexy stars? mali naman po ata ‘yun,” reaksyon ni Mocha Uson.

Tinanong namin si Mocha kung ano masasabi n’ya sa pag-iimbita ng NHC sa kanila upang magpaliwanag.

“Magsusuot kami ng jacket na may Philippine flag at ipagsisigawang ‘Pinay kami’ at may karapatan din kami sa aating watawat,” tugon niya.

Anyway, mabibili na sa lahat ng Astrovision ang album ng Mocha Girls with their hit single “Isa Pa Nga.” May kalakip ito na mini-magazine na may sexy photos at kasama rito ang hubo’t hubad na katawan ni Mocha na may nakapintang bandila ng Pilipinas. Sampung kanta ang napaloloob sa album gaya ng Pinay Ako, Eto Na, Yummy, Isa Pa Nga, Ipadarama, Kawawa, Palung-Palo, Isa Pa Nga (Christmas version) at ang kontrobersiyal ding kantang Hotdog na na-banned na sa mga radio stations dahil sa mga lyrics nitong may double meaning. Ang album ay produced ng Playboy Fragrances sa ilalim ng Bellhaus Records.

Mapanonood nga pala ang Mocha Girls with the Ice Band sa March 10 sa Zirkoh, Morato with Gerald Santos, Luningning with the Temptation Ladies, Saicy Aguila, Wonder Gays at Derrick Monasterio.

-0o0-

SA KABILA ng pinagdadaanan ngayon ng manager ni Gerald Santos na si Doc Rommel Ramilo ay tuloy pa rin ang trabaho ng magaling na singer. Hindi niya binibitawan at inilalaglag ang kanyang manager kahit nakakulong pa rin ito ngayon sa Crame, nandun ang suporta niya at paggawa ng paraan na makalabas ito sa kulungan.

Base sa napanood namin sa ‘Imbestigador,’ malinaw na ang hinihingi niyang pera ay sponsor para sa album ni Gerald na kung saan ay mapakikinggan ang revival ng kantang ‘Paminsan-Minsan’ at iba pang OPM hits. Nadamay lang siya sa pakana diumano ni Em Em na kasamang kinasuhan diumano ng kidnapping.
Hindi naman sisirain ni Doc ang kanyang pangalan sa P12,000 marked money na ibinigay sa kanya.

“’Yung album talaga ang inilalapit ko. Akala ko kasi ay number ng nanay ‘yung hawak ko. Kay Em lang pala rin. Hindi ko rin number ang hawak ng nanay ng bata. Lahat pinaikot nu’ng Em,” text ni Doc sa amin.

Anyway, tuloy ang show ni Gerald sa Saturday, Mar. 10, 9pm sa Zirkoh Morato, QC entitled Unlimited Saya… Havey. Pakikiligin rin tayo ng Tween Hearts bagets actor na si Derrick Monasterio na kumanta ng theme song ng My Kontrabida Girl with Julie Ann San Jose. Pag-iinitin tayo sa kaseksihan ng Mocha Girls with the Ice Band. Hahataw naman si Luningning kasama ang Temptation Ladies, aaliwin tayo ni Saicy Aguila at patatawanin tayo ng Wonder Gays. Kumpletos rekados sa Sabado!

Para sa ibang detalye tumawag sa 7100352, 09215498931

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply