Lin natinik kay Rose

NAGSABOG ng 32 puntos, pitong assist at anim na rebound si Chicago Bulls star player Derrick Rose upang ilampaso ang koponan ni Jeremy Lin na New York Knicks, 104-99 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga (oras sa Pinas).

Nangunguna ngayon ang Bulls sa Eastern conference na may 35-9 win-loss slate matapos ilampaso ni Rose ang kapwa point guard na si Lin sa puntusan.

“I’ve got to be the only superstar in the league that’s going through what I’m going through right now,” ani Rose. “Can’t say too much about it.”

Noong nakaraang buwan ay biglang umugong ang pangalan ni Lin dahil sa ipinakita nitong tikas habang wala ang mga ace player ng Knicks na sina Carmelo Anthony at Amare Stoudemire.

Tumikada lamang si Lin ng 15 points, walong assist at tigatlong steal at blocks kaya naman nalasap ng kanyang koponan ang ikaanim na sunod na kabiguan.

Nalaglag sa pang siyam na puwesto ang Knicks na ngayon ay may 18-24 panalo talo karta sa Eastern conference.

Pumangalawa sa opensa sa Bulls sina forward Carlos Boozer at bench player Taj Gibson na may tig 15 pts.

“I thought our rebounding was outstanding,” sa ni Bulls coach Tom Thibodeau. “Taj was great. I thought the second shots he got us in the second half was the difference in the game.”

Si Anthony naman ang top scorer para sa New York na may tinikadang 21 markers at walong boards habang 20 puntos, tatlong rebound at dalawang block ang inambag ni Stoudemire.

Sa ibang resulta ng NBA, kinaldag ng Boston Celtics ang Los Angeles Clippers, 94-85 habang dinurog ng San Antonio Spurs ang Washington Wizards, 112-97.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply