Lineman tigok sa loob ng manhole

HINIHINALANG inatake ng sakit na epilepsy ang isang 38-anyos na lineman ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) sa loob ng manhole sa Tondo, Manila kagabi (Marso 23).

Kinilala ang biktimang si Leonardo Luciano, may-asawa ng Building L-2 Phase 3 Dagat-Dagatan, Malabon City.

Batay sa ulat ni Det. Charles Johm Duran ng Manila Police District-Homicide Section dakong 9:45 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng manhole sa panulukan ng Herbosa St. at Yanco St. sa Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, habang naglalagay umano ng linya ng telepono ang biktima sa loob ng manhole sa nasabing lugar ay snumpong ang biktima ng kanyang sakit.

Hindi naman umano nakita kaagad ito ng kanyang mga kasamaha.

Nagtaka na lamang ang mga kasamahan dahil hindi ito umakyat para magpahinga sandali.

Nakita na lamang nakalugmok na sa tubigan ang biktima kaya dali-dali nila itong isinugod sa Ospital ng Tondo, pero hindi na rin ito naisalba.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply