Lintang Bedol naghain ng ‘not guilty plea’

NAGHAIN ngayon ng  ‘not guilty plea’ si dating Maguindanao provincial elections supervisor Atty. Lintang Bedol sa ginanap na arraignment sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ang kasong electoral sabotage ni Bedol ay dinidinig sa sala ni Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas.

Tinalakay din ang inihaing mosyon ng kampo ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng paggamit ng communication gadgets ni Bedol.

Si Bedol ay dating election supervisor sa Maguindanao noong 2007 national elections.

Bukod kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, kinasuhan din ng election sabotage si dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply