Litrato ng mga opisyal sa CCT poster bawal na

BINAWALAN na ng Department of the Interior and Local Government ang paglalagay ng mga litrato ng mga lokal na opisyal sa mga poster o streamer o pag-aanunsiyo na may kaugnayan sa aktibidad ng Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps) ng pamahalaan.

Dahil dito, naglabas ng direktiba si Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo sa lahat ng LGUs ukol dito, na batay sa remomendasyon ng National Advisory Committee para sa Pantawid Pamilyang Pilipino program, na kinabibilangan ng ibang ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

Batay sa nasabing rekomendasyon sa DILG, sinabi ng advisory committee na naoobserbahan nila na may mga litrato at pangalan ng mga lokal na opisyal na nakalagay sa mga announcement streamer at posters ng 4Ps na sentro ng national government’s poverty reduction program.

Sa 4Ps na kilala sa tawag na Conditional Cash Transfer Program at pinangungunahan ng DSWD, maiibsan kahit paano ang hirap na dinaranas ng mga Filipino sa pamamagitan ng pamimigay ng cash hanggang P1,400 para sa indigent families na may mga anak na 14-anyos pababa.

Tutulungan naman ng DSWD ang mga kabataan na makapag-aral habang ang mga magulang naman nila’y tutulungan din na mabigyan ng regular na pre-natal o post-natal na pangangalaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply