Lobbying ng INC pabor kay Corona, pinabulaanan

ITINANGGI ng ilang senador na hinihimok sila ng Iglesia ni Cristo upang bomoto pabor kay  Chief Justice Renato Corona sa ginaganap na impeachment trial.

Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi nina Sen. Manny Villar, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Aquilino Pimentel III na wala silang nakakausap mula sa INC upang himukin silang pumabor kay Corona.

“I for my self, no one is lobbying in me for Chief Justice Corona, although I have friends there,” ayon kay Villar.

Ayon kay Villar, dapat pagtuunan ng lahat ng magiging depensa ni Corona, hindi ang tsismis at haka-hakang ginagapang ng INC ang ilang reelection na senador upang pumabor kay Corona.

Sinabi naman ni Lacson na wala ring kumakausap sa kanya kahit marami siyang kakilala at kaibigan sa naturang grupo.

“Wala, walang kumakasaup sa akin,” ayon kay Lacson.

Tulad nina Villar at Lacson, wala rin aniyang kumakausap kay Pimentel taliwas sa espekulasyon na tinatarget ng grupo ang mga katulad niyang reelectionist.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply