Lolo pisak sa kotse sa CCP

NASAWI ang isang lolo makaraang masagasaan ng Toyota camry habang tumatawid patungong Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Boulevard kaninang alas-5:00 ng umaga, Marso 29.

Kinilala ang biktima na si Rolando Angeles, ng Barangay 26, Pasay City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, patawid ng Roxas Boulevard ang biktima nang hindi nito napansin ang humaharurot na Toyota Camry.

Sa lakas ng pagkabangga, natanggal pa umano ang gulong ng Camry na napag-alamang pagmamay-ari ni Benny Tan.

Agad namang sinugod sa ospital ang biktima, subalit hindi na rin nailigtas.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply