Lovi Poe nakatulong sa pag-arte niya ang mga taong nagpasaya, nagpalungkot sa kanya

WALANG tigil ang blessings sa career ni Lovi Poe bilang actress sa first quarter pa lang ng taong kasalukuyan. Aba, ang unang award giving body na nagbigay sa kanya ng acting award this year ay ang PMPC Star Awards For Movies bilang Best Supporting Actress via Yesterday, Today and Tomorrow ng Regal Films.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi niyang malaking tulong sa acting niya ang mga taong nagpasaya at nagpalungkot ng buhay niya. Dahil sa mga experiences na ito, napi-feel niya sa bawat emosyon na ipinakikita niya on screen ang dapat niyang ipakita na may kaugnayan sa buhay niya.

‘Di nawala sa acceptance speech ni Lovi ang pag-dedicate ng award niya sa kanyang yumaong amang si Fernando Poe, Jr. at sa kanyang ina. Gayundin sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanyang career.

Nang gabing iyon, nominated din si Lovi sa pagka-Best Actress para sa makatotohanang acting niya sa controversial movie na My Neighbor’s Wife kung saan nagkaroon siya ng sexy scenes at ang co-star niyang si Carla Abellana kina Dennis Trillo at Jake Cuenca.

000

PINAGSESELOSAN daw ngayon ni Bea Binene si Julie Anne San Jose dahil nababaling daw ang atensiyon ni Jake Vargas rito. Bago kayo mag-react, issue lang ng istorya ng Tween Hearts ang sinasabi namin sa inyo. Bale rito tatakbo ang kwento ng number 1 tween program sa bansa ngayong Sunday.

Bukod dito, markado ang ibinigay na guest role kay Julie Anne sa Sunday soap ng GMA-7 kung saan nai-partner agad ito kay Jake.

Ganyan din naman din ang ginawang anggulo sa pagpasok ni Kaka Estrada, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz, sa Tween Hearts. Ginawan ng angle na nagkakagusto ito kay Barbie Forteza. Nagseselos naman naturalmente si Joshua Dionisio.

000

HUWAG kayong mag-alala, bago matapos ang Pepito Manaloto, makikita ninyo rin ang ibang old cast na nawala sa programa. Bale magkakaroon ng reunion of sort ang programa para sa mga dating cast.

Siyempre, babalik na ang pamilya ni Pepito sa Pilipinas. Manganganak na rin si Janna Dominguez, ang first baby nila ni John Feir, sa istorya ng sitcom.

Ibayong saya ang dulot sa viewers ang ng No. 1 reality comedy show sa bansa ngayong Sunday evening pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply