LPG nagbawas pa ng .50 sentimo kada litro

NAGBAWAS pa ng P0.50 sentimo kada litro ng kanilang auto gas na liquefied petroleum gas (LPG) ang Total Philippines matapos bumagsak ang contract price nito sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Iris Reyes ng Total Philippines, epektibo kaninang alas-6 ng umaga nang ipatupad nila ang rollback sa presyo ng kanilang auto gas na sumasalamin sa pagbagsak ng bahagya ng presyo nito sa world market.

Umaasa ang Total Philippines na magpapatuloy pa ang pagbagsak ng contract price ng LPG dahil bumaba na ang  malaking pangangailangan nito sa mayayaman at malalaking bansa tulad ng Estados Unidos at Europa matapos magsimulang magpalit ng panahon.

Idinugtong pa ni Reyes na hindi lamang sa presyo ng kanilang produkto nakatuon ang kanilang kompanya kundi sa maayos at ligtas na paggamit ng LPG, patunay ang pagsasagawa ng “Safety Forum”  bukas na gaganapin sa Platinum Room ng Best Western Premier Hotel sa Global City Taguig.

Magugunita na una na ring nag-anunsiyo ng pagtatapyas ng P0.1 kada kilo ng presyo ng cooking gas ang ilang miyembro ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) makaraang bumaba ang contract price nito sa pandaigdigang pamilihan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply