LRA sinisi ng prosekusyon

SINISI ngayon ng prosekusyon ang administrador ng Land Registration Authority (LRA) sa sinasabing kapalpakan sa pagpiprisinta ng ebidensya hinggil sa paglutang ng 45 ari-arian ni Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni Prosecution spokesman Sonny Angara na hindi na nila sinuri ang mga ebidensya na nanggaling kay LRA Administrator Atty. Eulalio Diaz III dahil inaasahan na nila na tumpak ang impormasyon dahil ito ay galing sa rekord ng gobyerno.

Banggit pa ng kongresista na dapat ang LRA mismo ang naglinis ng naturang listahan at hindi na isinama sa isinumite sa prosekusyon ang mga kanseladong kontrata.

Nanindigan naman si Angara na hindi nila intensyong iligaw ang publiko sa pamamagitan ng maling impormasyon.

Ang pagkakansela sa ilang titulo ng mga lote ni Chief Justice Corona ay siyang dahilan kung bakit hindi pinagtestigo ng prosekusyon si Diaz.

Kahapon (Marso 20) ay nakuwestyon ang prosekusyon dahil sa pagpapalutang na aabot sa 45 ang property ni Corona gayung ang ibang na-Google dito ay pawang kapangalan lamang ng punong mahistrado o katunog ng pangalan ng kanyang mga anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply