LRT 1, 2 walang operasyon sa April 5-8

PANSAMANTALANG walang operasyon ang LRT 1 at 2 mula Abril 5 hanggang 8, ayon sa Light Railways Transit Authority (LRTA).

Ito ay upang bigyang-daan ang pag-obserba sa Holy Week o Mahal na Araw ng mga Kristyano.

Ayon sa LRTA, magsasara ang biyahe ng LRT Line 1 at Line 2 ng alas-8:00 ng gabi sa Abril 4, Miyerkules Santo hanggang Abril 8, Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Babalik ang kanilang normal na operasyon sa Abril 9, Lunes ng alas-5:00 ng madaling araw.

Sa panahon na sarado ang Line 1 at 2, ay magsasagawa ng maintenance work, ayon sa ahesnya.

Lilinisin at susuriin ang lahat ng pasilidad ng LRT, kasama na ang mga piyesa.

Papalitan din ang catenary wires at rail ballast sa iba’t ibang kritikal na lugar.

Ang LRT Line 1 ay may biyahe na mula Baclaran sa Pasay City hanggang Roosevelt habang ang Line 2 ay mula Recto hanggang Santolan sa Pasig City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply