LRT hindi apektado ng sunog sa Grand Central

SA kabila ng nagaganap na sunog sa Grand Central mall sa Caloocan City, nagpapatuloy naman ang operasyon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at patuloy na masusing minomonitor ng kinauukulan ang Monumento Station.

Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, iniba na nila ang ilang entry at exit points ng Monumento Station upang maprotektahan ang mga pasahero sa usok na dulot ng naturang sunog.

“Nag-divert tayo ng pasukan at labasan, inabot isang entrance at exit natin. Dalawa ang nagagamit natin ngayon, tuloy ang operation natin,” ayon kay Cabrera sa panayam sa dzBB.

Malapit ang sunog sa LRT-1 Monumento Station na kumukonekta sa Roosevelt, Quezon City papuntang Baclaran sa southern Metro Manila.

Ayon sa kanilang post sa kanilang Twitter account, inihayag ni Cabrera hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon sa naturang sunog.

Nagsimula ang sunog sa naturang mall pasado alas- 10.00 p.m. kagabi pa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply