LRT Line 1 extension pa-Cavite aprub na sa NEDA

KAPWA aprubado na kay Pangulong Benigno Aquino III at National Economic Development Authority (NEDA) ang extension ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 patungong Cavite.

Ang nasabing proyekto ay gagawin sa pamamagitan ng pagtatayo ng panibagong istasyon mula sa Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay.

Susundan ito ng Dr. Santos station sa Parañaque, Las Piñas station, Zapote station at magtatapos sa Niyog station sa Bacoor, Cavite.

Aabot naman sa P60 bilyon ang inaasahang magiging halaga ng proyekto na ang kalahati ay uutangin sa Japan at ang iba naman ay idadaan sa public-private partnership.

Sa linggo na agad gagawin ang bidding kung saan target na matapos ang proyekto sa 2014 hanggang 2015.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply