LRT planong dugtungan hanggang Cavite

PINAPLANO ngayon pamahalaan ng magkaroon ng extension ang Light Railways Transit (LRT) hanggang sa Cavite.

Ang plano ay sinusugan ni Pangulong Benigno Aquino III at National Economic and Development Authority (NEDA) para sa LRT Cavite Extension project.

Sa ilalim ng proyekto, gagawa ng walong bagong istasyon sa Redemptorist, Manila International Airport Authority (MIAA), Asia World at Ninoy Aquino Station- Pasay, Doctor Santos- Parañaque, Las Piñas at Zapote Station at magtatapos sa Niyog Station sa Bacoor, Cavite.

Tinatayang P60 bilyon ang kailangan para sa naturang proyekto at magsisimula na ang bidding sa susunod na linggo.

Ayon sa dalawang ahensya ng gobyerno, malulunasan na ang pagka-antala ng mga commuter na naninirahan sa naturang lugar, bukod sa hindi na sila nakikipagsiksikan sa pampasaherong bus na kalimitang nabibikitima ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply