LRTA chief, balik-Cavite na

SAYANG at labing walong buwan pa lamang si Rafael S. Rodriguez sa pamumuno ng Light Railway Transit Authority ay uuwi na siya sa Cavite upang tuparin ang isang pangarap.

Si Administrator Rodriguez, sa kanyang maikling panunungkulan sa LRTA, ay nakapagbigay-kaginhawahan sa 221 milyong pasahero noong nakaraang taon.

Dahil sa kanyang pagnanais na magbigay serbisyo sa publiko, kanyang binigyan ng priority ang mga matatanda, ang mga kababaihan at may kapinsalaan.

Sa nakaraang taon, ang LRTA ay kumita ng P3.142 billion, compared to P3 billion noong 2010.

Subalit si Rodriguez ay aalis na sa LRTA upang manatili na lamang muna sa Cavite, ang bayang kanyang sinilangan.

Panahon na marahil na si Rodriguez, matapos ang mabuting paninilbihan sa LRTA, ay maglingkod naman sa Cavite.

Bilang secretary-general at general counsel ng Liberal Party ng Cavite, mas malaki ang maitutulong niya sa kanyang probinsiya.

Panahon na ng pagkakaisa, ang sabi niya. Watak-watak kasi ngayon ang mga pulitiko sa naturang probinsiya. Para bang walang direksiyon. Pataasan ng ihi ang marami sa kanila.

Kailangang itaas na rin ng mga pulitikong Kabitenyo ang antas ng kanilang governance o kakayahang lalong magbigay-sigla sa mga nasasakupan.

“My initial efforts,” sabi ni Rodriguez, “is to strengthen and unify political alliances in the province drawn together by principled politics rooted in integrity, devotion to service and excellence in governance.”

Pero paano na ang LRTA? Hindi ko alam. Sa pag-alis sa LRTA ni Rodriguez, sana naman ay mapantayan at mahigtan pa ng mga susunod na mamamahala ng LRTA ang kanyang record. Sa pangalan ng bayan.

PAGING FDA

Marami po ang nag react sa column ko noong nakaraang lingo. Nababahala sila sa mga imported medicine na maaaring misdeclared.

Halimbawa ay tama bas a dosage ang mga iyan. Hindi kaya fake ang mga iyan?

Ang payo ko lang sa mga taga-Food nd Drugs Administration (FDA) ay pag-ibayuhin ang pag-check ng mga kargamento. Humingi sila ng tulong sa Bureau of Customs at higit sa lahat ay ang FDA mismo ang mag-check sa huli para walang makalulusot.

I-check kasing mabuti yung mga gamot na imported kasi yung dinadala ng ibang importers ay para masuri ng FDA ay hindi sapat.

Malay ninyo, maaring na-check nga ng FDA at tama naman ang gamot, pero paano ang mga hindi pina-check? Diyan nagkalulusutan.

Dapat talaga ay suriing mabuti upang matiyak ang kalidad ng mga gamut na iyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply