LTFRB: No fare notice, no fare increase

NAGPAALALA si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chirman Jaime Jacob sa mga komyuter na hindi obligadong magbayad ng 50 sentimos na dagdag sa pamasahe sa pampasaherong dyip kapag walang notice tungkol sa fare increase.

Nilinaw ni Jcob na walang dagdag na bayad sa mga susunod na kilometro maliban sa 50 sentimos na dagdag sa kabuuan ng biyahe.

Una nang ipinaliwanag ni Jacob kahapon (Marso 20) na babawiin nila ang 50 sentimos na dagdag-pasahe sa oras na bumalik sa P45 ang presyo ng kada litro ng krudo.

Samantala, sinabi naman ni Transportation and Commuciations Secretary Mar Roxas na hindi sila nasisindak sa banta ng mga transport group na malawakang kilos protesta kaya inaprubahan nila ang fare increase.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply