LTO-Kalookan Licensing Office at Amihan Farm

MISYON Aksyon, sana po mabigyan po ninyo ako ng oportunidad ang isang balita na mailabas sa malawak ninyong kolum. Kasi hindi po reklamo ang aking nais na sabihin bagkus papuri sa mga empleyado ng Kalookan Licensing Office. Doon ko po nakita ang magandang sistema nila ngayon.

Dati po kasi, pag pumila ka, sama ng loob at himutok ang aabutin mo at tiyak na hahanap ka ng padrino o fixer para matapos mo ang transaksiyon sa kanila. Pero ngayon nagulat ako at hindi na kailangang humanap ng padrino o  fixer kasi napakabilis na ng kanilang  sistema para sa pagkuha ng lisensiya at renewal.

Marami akong nakitang mga bago. Una, habang naghihintay ay may TV na nakakalibang habang hinihintay mo ang tawag at pag inabot ka naman ng tanghali, aba, Misyon Aksyon, walang break sila tuloy ang kanilang serbisyo  publiko kahit na iyong iba ay nagla-lunch break. Kaya masisiyahan ka talaga sa kanilang bagong sistema sa mga kumukuha ng lisensiya at renewal.

Sana po, pamarisan ng iba natin mga ahensiya ng gobyerno. Kaya tinanong kung sino ang hepe ng nasabing tanggapan walang iba kundi si Mrs. Gay Delacuesta kaya hanga po ako sa kaniya.

Gumagalang
Mr.  Dong  ng OFW
***

Misyon Akyson,  lumabas sa inyong kolum ang Amihan Farm sa may Sto. Cristo na may paglabag sa Clean Water Act, Clean Air Act at Ecological Solid Waste Management Act.

Hindi lamang po iyon ang nakita kung paglabag kundi pati na rin ang kanilang garbage disposal.

Sana mabigyan din ng akyson ang katabing farm ng manukan na pag-aari ng isang Mr. Jovan Mascariñas na ang kanilang address po ay 10 Amihan Barangay Sto. Cristo SJDM, Bulacan.

Mabaho rin po ang kanilang Farm. Mabahong amoy at ipot ang aming nalalanghap pag malakas ang hangin at pag umulan naman po sa gabi, grabe, hihikain ka sa baho. Kaya sana aksyunan ito ng mga taga-DENR Bulacan. Kasi balita ko malakas daw ang may-ari nito kay Mayor RSP.

Kay Kalookan Licensing Office chief Gay Delacuesta,  Madam, saludo po ang Misyon Aksyon sa inyong serbisyo publiko sa dahilang isang OFW ang nasiyahan sa inyong serbisyo. Aba kung ganito ang mga ahensiya ng ating gobyerno, ‘di malayo na ang mga kababayan natin sa ibang bansa ang ipagmamaki tayo. Mabuhay po kayo sampu ng inyong mga tauhan.

Paging R-3 DENR ENV. Director Lormilyn E. Claudio at BENRO  Chief Atty. Rustico de Belen at  Gov. Willy Alvarado, Madam/Sir, pakiimbestigahan naman po ang FARM na sa may 10 Amihan, Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan dahil po ang Mayor doon ay inutil, ayon sa mga residente.

***

(sinadya pong hindi i-edit ang padalang mensahe ng mga reader)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply