Luke Donald bagong number 1 golfer sa mundo

SI LUKE Donald ng England na ang bagong number 1 golfer sa mundo.

Siya ang pumalit sa Rory McIlroy na hindi nagtagal sa pagiging world’s No. 1 golfer.

Naagaw ni Donald ang titulo nang makuha ang kampeonato sa transitions championship sa Florida.

Naipanalo ni Donald ang torneo laban kay Bae Sang Moon ng South Korea, sa isang sudden death playoff.

Ang naturang panalo ang ikalimang career victory ni Donald sa PGA Tour.

Siya rin ang nais manalo ng nakararami sa nalalapit na masters tournament sa Augusta National sa unang linggo ng Abril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply