Lumalalang kaso ng child labor susugpuin

BAGONG programa ang inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sugpuin ang lumalala pang kaso ng child labor.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldos sa lahat ng regional directors sa 16 rehiyon sa buong bansa na ideklara taon-taon ang “child labor free.”

Sa pamamagitan nito ay malalaman kung naisasakatuparan ng DOLE regional directors ang programa laban sa child exploitation.

Kabilang sa mga programa ng labor department sa pagsugpo sa nasabing usapin ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga magulang, edukasyon hinggil sa masamang epekto ng child labor at pagbantay sa mga negosyo na may mga trabahanteng menor de edad.

Katuwang ng DOLE ang DSWD, DILG, DoJ at PNP.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply