Lumilipat sa mga pablik iskul

GRADWESYON na ulit.

Siyempre tuwang-tuwa ang lahat ng mga magulang na nakapagpatapos ng kanilang mga anak.

Ke kinder, elementari, haiskul, bokesyonal o kolehiyo, basta nakatapos ang bata, malaking kasiyahan yan sa mga magulang.

Natural na buo rin ang kasiyahan ng mga kabataang mag-aaral.

oOo

Para sa mga nakatapos sa kolehiyo, susunod diyan ang problema naman kung saan sila makahahanap ng trabaho.

Yan ay kung hindi sila buntis o nag-aasawa kaagad matapos ang iskul.

Kamakailan lang, may nag-suisayd na saleslady sa isang mall.

Napagod ang kabataang ito sa palagiang pagkakatanggal niya sa trabaho tuwing ika-5 buwan.

Pinatay siya ng sistemang kontraktuwalisasyon na ayaw gawan ng paraan ng mga noynoying sa pamahalaan.

Mayroon pa kayang susunod sa ginawa ng saleslady? Maaari!

Nakalulungkot isiping sa kawalan ng kinabukasan at pagpapakamatay nauuwi ang edukasyon ng mga kabataan.

oOo

Nga pala, maraming magulang ang nag-iisip kung saang pablik iskul nila ieenrol ang kanilang mga anak sa susunod na pasukan.

Tinutukoy natin, Suki, ang mga magulang na nakararamdam na ng bigat sa buhay.

Elementari at haiskul gradweyts ang gusto nilang ilipat.

Naiisip kaya ito ng mga onorabol na walang ginawa kundi purihin ang kanilang mga sarili sa pagganda umano ng ekonomiya ngayong sila ang nasa poder?

Ang paglilipat-iskul mula sa praybeyt tungo sa pablik ay isang malaking sukatan sa ekonomiya at liderato sa pamahalaan.

Ano na ngayon ang ginagawa ng mga onorabol sa usaping ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply