Lupa gumuho sa pagmimina: 1 patay, 2 ligtas

ISA ang patay habang dalawa ang nakaligtas nang hukayin ang lupa ng tatlong biktima na pawang mga lalaki na naghahanap ng mina mina ng ginto sa Barangcuag, Angadanan, Isabela.

Ayon sa Rescue 922 ng Cauayan City, natabunan ng lupa at patay na nang maiahon si Zoilo Soliven Jr, 31, ng Barangcuag, Angadanan.

Si Soliven kasama ang dalawang pang kabarangay ay ilang araw na naghukay ng lupa malapit sa isang sapa sa kanilang lugar sa pag-asang makakuha ng mina ng ginto.

Natabunan si Soliven nang gumuho ang lupa sa kanyang pag-ahon. Inabot ng ilang oras bago natagpuan ang kanyang bangkay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply